Pagbaba ng rating ni Duterte, dapat pag-aralan ayon kay Lacson

By Jan Escosio October 12, 2016 - 09:02 PM

Duterte VietnamBagamat nananatiling mataas ang rating ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa resulta ng latest survey ng Pulse Asia, sinabi ni Sen. Ping Lacson na dapat pa rin pag aralan ang ilang puntos na pagbaba.

Aniya mahalaga na hindi magtuloy tuloy ang pagbaba at hindi na dapat paabutin pa na tuluyan itong bumagsak tsaka pa lang kikilos ang Malakanyang.

Banggit ni Lacson malinaw naman na may maling nangyayari base sa pagbaba sa rating ni Ginoong Duterte na naitala ng dalawang kilalang survey firms.

Ipinaalala din ni Lacson na sa nangyari kay dating Pangulong Noynoy Aquino, tumaas pa ang rating nito sa unang tatlong buwan ng kanyang panunungkulan na baligtad sa nangyari kay Pangulong Duterte.

Muling paalala ni Lacson dapat nang pag ingatan ng Pangulo ang kanyang mga pahayag para hindi na ito binabawi kinalaunan partikular na ang pakikipag relasyon sa ibang bansa.

Sinabi din ni Lacson na kung susuriin may katotohanan ang ginawang banat ng actress-singer agot isidro na kung gustong magutom ni Pangulong Duterte ay huwag na nitong idamay ang ating mga kababayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.