DILG, pinaiimbestigahan sa PNP ang mga isiniwalat ni Jaybee Sebastian ukol sa ‘ninja cops’

By Ruel Perez October 12, 2016 - 06:53 PM

Kuha ni Isa Umali
Kuha ni Isa Umali

Inatasan na ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno ang pamunuan ng Pambansang Pulisya na imbestigahan ang mga ibinunyag sa Congressional probe ng convict na si Jaybee Sebastian kung saan marami pa ring mga pulis na nasa active service ang protektor ng iligal na droga.

Ayon kay Sueno, nagpadala na siya ng komunikasyon kay PNP chief Director Gen. Ronald Dela Rosa hinggil sa kaniyang direktiba.

Aniya, seryoso sila na malinis ang hanay ng PNP laban sa mga ‘ninja cops’ at mga narco generals.

Ibinunyag din ni Sueno na may listahan na sila ng mga pulis na isinasangkot sa iligal na droga at may mga hakbang na silang ginagawa para tugunan ang nasabing problema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.