14 na bagong double decker buses, bumiyahe na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo, Ruel Perez October 12, 2016 - 12:16 PM

DOTr PHOTO
DOTr PHOTO

Kasabay ng pagpapatupad ng dry run ngayong araw ng “no window hours” policy labing-apat na bagong double-decker buses ang bumiyahe na mula Quezon City patungong Makati para serbisyuhan ang mga pasahero.

DOTr PHOTO
DOTr PHOTO

Biyaheng Trinoma to Glorietta 5 at pabalik ang 14 na bus na 24-oras na magbibiyahe mula Lunes hanggang Linggo.

P55 pesos ang pamasahe para sa single journey sa P2P bus at P80 pesos naman kung round trip.

Para sa mga pasahero na araw-araw ay gustong sumakay ng double-decker, may unlimited ride promo ito na P1,300 para sa isang buwan.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), seserbisyuhan ng bagong 14 na units ang mga maaapektuhan ng “no window hours” policy na strikto nang ipatutupad mula sa Lunes sa EDSA, C5, Mandaluyong, Alabang-Zapote, at Roxas Boulevard.

DOTr PHOTO
DOTr PHOTO

Kasama sa mga bumiyahe ngayong araw ang dalawang VIP, pitong semi-VIP at limang PWD-friendly buses.

Ang VIP units ay mayroong upper floor na na may 52 reclining sleeper seats, foot rests at reading lights.

Kada upuan ay mayroon ding monitor na may naka-load na games, latest movies, at iba pang entertainment apps.

Ang lower floor naman ay mayroong VIP cabin na may comfort room, cooler, VIP sofas, conference table, at dalawang 50-inch flatscreen TV monitors na pwede ring gamiting KTV (karaoke TV).

Bawat bus ay may CCTV cameras at nakapasa sa Euro 5 emission standards.

 

 

TAGS: New P2P double-decker bus, New P2P double-decker bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.