Abra De Ilog, Occidental Mindoro, niyanig ng lindol; pagyanig naramdaman sa Metro Manila
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Abra De Ilog sa Occidental Mindoro.
Naganap ang pagyanig alas 9:39 ng umaga ng Miyerkules, Ocotber 12 na tumama sa 15 kilometer West ng Abra De Ilog.
Ayon sa Phivolcs, may lalim na 105 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Metro Manila.
Naitala ng Phivolcs ang Intensity 2 sa mga bayan ng Calatagan at Nasugbu, Batangas; gayundin sa Pasay City; at sa Malate at Sampaloc, Maynila.
Unang inulat ng Phivolcs na magnitude 4.5 ang naganap na lindol pero ilang minuto ang nakalipas ay itinaas ito sa magnitude 4.6.
Wala namang inaasahang aftershocks o pinsala n amaidudulot ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.