Biyahe ng MRT dalawang beses ng nagka-aberya

By Dona Dominguez-Cargullo October 12, 2016 - 10:59 AM

Train FailureNakaranas ng magkasunod na aberya ang biyahe ng Metro Rail Transit (MRT), Miyerkules ng umaga, October 12.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), unang nakaranas ng aberya ang isa nilang tren alas 8:27 ng umaga.

Pinababa ang mga pasahero ng nasabing tren sa bahagi ng Magallanes station Northbound at pinasakay na lamang sa kasunod na tren.

Alas 9:14 naman ng umaga, isa namang tren ng MRT ang naka-aberya at pinababa ang mga pasahero sa Santolan station Southbound.

Parehong train failure ang binanggit ng DOTr na dahilan ng pagpapababa sa mga pasahero.

 

 

TAGS: MRT suffers glitches Wednesday morning, MRT suffers glitches Wednesday morning

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.