Posibleng kapabayaan ng gwardya sa SM Dasmariñas hostage incident, sinisiyasat na ng PNP

By Ruel Perez October 12, 2016 - 10:15 AM

hostage sm dasmaInumpisahan na ng Philippine National Police – Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (PNP-SOSIA) ang imbestigasyon sa naganap na hostage taking sa SM Dasmariñas sa Cavite noong Linggo.

Partikular na tutukuyin ang posibilidad na nagkaroon ng kapabayaan sa panig ng mga security guard ng nasabing mall.

Nagawa kasi ng suspek na makapagpasok ng patalim na ginamit niya sa krimen na nagresulta sa pagkasawi ng isa sa mga biktima niya. Napatay din ang suspek na si Carlos Marcos Lacdao ng mga rumespondeng pulis.

Ayon kay PNP-SOSIA Dir. Sr. Supt. Jose Mario Espino, kwestyunable kung paanong naipuslit ang labingdalawang pulgadang patalim ni Lacdao.

Tutukuyin naman ng SOSIA kung sino ang partikular na security guard ng mall na pumalpak sa pagbabantay.

 

 

TAGS: SM dasmarinas hostage incident, SM dasmarinas hostage incident

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.