Higit 40 katao, dinampot sa anti-drug ops sa Maynila

By Jong Manlapaz October 12, 2016 - 04:22 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Aabot sa 40 indibidwal ang dinampot ng Manila Police District Station 9 sa inilunsad nilang 1 time-bigtime operation sa Malate, Maynila.

Ayon kay PSupt. Romeo Odrada, hepe ng MPD Station 9, apat sa mga naturang indibidwal ang nahulihan ng mahigit sa 20 gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Kinilala ang apat na suspek na sina Danilo at Alexander Guanlao, Rosell Diorico at ang ginang na si Aiko Dopelaña na pawang nasa drug watchlist ng mga otoridad.

Isasailalim naman sa berepiskasyon ang 36  na mga indibidwal upang malaman kung mayroong mga standing na kaso at kung walang makita ay agad rin namang pauuwiin.

Habang dadalhin sa DSWD ang mga minor na kasamang inimbita.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.