Veloso, hindi pa ligtas sa bitay

May 27, 2015 - 11:20 AM

CONGRESS VELOSO 1
Kuha ni Isa Avendaño-Umali

Wala pang katiyakan kung tuluyang maliligtas sa parusang kamatayan sa Indonesia ang Pilipinang si Mary Jane Veloso.

Sa pagdinig ng House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni Justice Secretary Leila De Lima na ang tuluyang pagligtas kay Veloso ay hindi lamang pangarap ng pamilya nito, kundi pangarap din ng buong gobyerno ng Pilipinas.

Gayunman, inamin ni De Lima na nakadepende pa rin ang lahat sa resulta ng mga isinasagawang imbestigasyon.

Sakali namang maging paborable kay Veloso ang resulta ng pagsisiyasat, nakasalalay pa rin sa Indonesian authorities kung itutuloy o hindi ang parusang bitay sa Pinay.

Matatandaang pinagkalooban lamang ng temporary reprieve ng Indonesian government si Veloso na dapat sana’y bibitayin na noong Abril.

Samantala, sinabi ni De Lima na posibleng magtungo sa Indonesia ang investigating prosecutor ng DOJ na humahawak sa kaso laban sa recruiter ni Veloso na si Ma. Christina Sergio.

Ayon kay De Lima, dedepende ito kung may pangangailangan para sa clarificatory questions kay Veloso base sa sinumpaang salaysay nito.

Kung papayagan ng Indonesian Authorities ay prerogative ng mga prosecutor na magpunta sa Indonesia para matanong ang Pinay na sinasabing biktima ng human trafficking at ng West African Drug Syndicate.

Nagpadala na rin aniya sila ng mutual legal assistance request sa Indonesia at Malaysia para sa proseso ng imbestigasyon./ Isa Avendano-Umali

 

TAGS: death, indonesia, mary jane, penalty, veloso, death, indonesia, mary jane, penalty, veloso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.