San Beda, kampeon sa NCAA Season 92

 

Mula sa Bandera

Muling nanaig bilang champions ang San Beda Red Lions sa Season 92 ng NCAA matapos nilang talunin ang Arellano University Chiefs.

Nagtapos ang sa iskor na 83-73, pabor sa Red Lions ang laro na ginanap kagabi sa Mall of Asia Arena.

Ito na ang ika-siyam na pagkakataong nagwagi bilang champions ang Red Lions, matapos maagaw sa kanila ng Letran ang korona noong nakaraang taon.

Itinanghal namang Finals MVP si Arnaud Noah na nakapagtala ng double-double na may 18 points at 11 rebounds.

Samantala, itinanghal naman bilang Season MVP si Allwell Oraeme ng Mapúa Institute of Technology, habang Rookie of the Year naman si Mike Nzeusseu mula sa Lyceum of the Philippines University.

Read more...