Aguirre sa testimonya ni Sebastian: ‘May totoo, may kasinungalingan’

By Inquirer, Kabie Aenlle October 12, 2016 - 04:25 AM

 

Sec. Vitaliano Aguirre II | Kuha ni Isa Umali
Sec. Vitaliano Aguirre II | Kuha ni Isa Umali

Nabigla si Justice Secretary sa mga isiniwalat ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian nang tumestigo ito sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Bukod sa mismong laman ng mga testimonya ni Sebastian, hindi rin niya inasahan ang pagiging matalino at mabilis ng mga pagsagot nito sa tanong ng mga mambabatas.

Gayunman, naniniwala ang kalihim na ang mga sinabi ni Sebastian sa Kamara ay magkahalong katotohanan at kasinungalingan.
Partikular na tinukoy ng kalihim ang sinabi ni Sebastian na hindi niya
umano kilala ang dating driver ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan, na kasama rin sa mga nadidiin sa illegal drug trade sa Bilibid.

“Nagulat ako sa testimony ni Jaybee Sebastian. Bukod sa matalino, mabilis magsalita, talagang sinabi nya yung kanyang nalalaman, but ‘di ko sya tinaggap bilang isang binigyan ng immunity (under the witness protection program) sapagkat ako’y naniniwala na di pa rin nya siniwalat yung buong katotohanan,” ani Aguirre.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang pagbibigay ng immunity kay Sebastian sa ilalim ng witness protection program.

Ipinagtataka rin ni Aguirre ang tahasang pagsabi ni Sebastian na si De
Lima ay protektor ng mga drug traders sa loob ng Bilibid, at na ilang beses siyang nagbigay ng pera sa dating kalihim na umabot sa P10 milyon.

Taliwas naman sa sinasabi ni De Lima, sinabi ni Aguirre na hindi maaring maging asset ng gobyerno si Sebastian dahil ito ang drug lord na pinakamalapit sa senadora noong siya ay kalihim pa, at na ito ang pinakamataas na pinuno sa piitan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub