124 bagong opisyal, nanumpa kay Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle October 12, 2016 - 04:20 AM

 

Kuha ni Chona Yu

Pinanumpa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 124 na mga bago niyang appointees sa pamahalaan, na pinangungunahan ng kaniyang mga kaalyado tulad nina Atty. Amado Valdez bilang bagong chairman ng Social Security System (SSS) at kaniyang kapartido na si Martin Dino bilang chairman naman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).

Kilala si Valdez bilang dating dean ng University of the East (UE) – College of Law at isa sa mga nagpa-disqualify kay Sen. Grace Poe nitong nagdaang halalan.

Si Dino naman ay ang chairman rin ng Volunteers Against Crime and Corruption, at deputy secretary general ng PDP-Laban. Matatandaang siya rin ang orihinal na pambato ng nasabing partido sa pagka-pangulo, bago nagdesisyon si Duterte na tumakbo.

Pinunan ng mga appointees kabilang na ang mga bagong ambassadors, judges, at undersecretaries ng mga kagawaran, ang mga posisyon na idineklarang bakante ng pangulo noong Agusto sa paglalayong supilin ang katiwalian.

Kabilang naman sa iba pang mga key appointees na nanumpa kahapon ay sina Atty. Karen Jimeno bilang undersecretary for legal affairs sa Department of Public Works and Highways; Berna Romulo Puyat bilang Agriculture undersecretary; Felipe Judan at Garry de Guzman bilang Transportation undersecretaries; Jorge Sarmiento bilang Communications undersecretary; at Riccojudge Echiverri bilang assistant secretary naman sa Department of Interior and Local Government.

Kasama rin sa mga nanumpa kanina si Atty. Kristoffer James Purisima deputy administrator, Office of Civil Defense na abogado ni dating PNP Chief Alan Purisima

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.