Rep. Abellanosa ng Cebu, kinasuhan dahil sa kwestyunableng scholarship program

By Alvin Barcelona October 12, 2016 - 04:01 AM

 

Ombudsman1Sinampahan ng Ombudsman ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Cebu City Rep. Rodrigo Abellanosa kaugnay ng pinasok na scholarship program ng lokal na pamahalaan sa eskuwelahan na kanyang pinamumunuan.

Sa kasong isinampa ng Office of the Ombudsman laban kay Abellanosa lumalabas na siya ay miyembro ng Sangguniang Panglungsod ng Cebu nang mangyari ang sinasabing iregularidad.

Isa umano si Abellanosa na trustee-president ng ACTIEF sa nag-apruba sa City Resolution na nagbibigay ng kapangyarihan sa alkalde na pumasok sa Memorandum of Agreement sa Asian College of Technology International Educational Foundation na popondohan ng gobyerno.

Umabot umano sa P51 milyon ang halaga ng scholarship fund o scholarship na nakolekta ng siyudad sa ACTIEF.

Inirekomenda ng Ombudsman ang P30,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Abellanosa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.