Trust rating ni Duterte, bumaba ng 3 puntos pero nananatili pa rin sa “excellent” catergory
Nanatili sa “excellent” category ang trust rating ni Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa bumaba ito ng tatlong puntos sa kabila ng natatanggap na kritisismo ng kanyang kampanya laban sa iligal na droga.
Sa latest Social Weather Stations o SWS survey na inilabas ng BusinessWorld, makikita na nakakuha ng +76 public trusta rating si Pangulong Duterte.
Bumaba ito ng tatlong puntos kumpara sa huling SWS survey na isinagawa noong June 24-27 bago umupo bilang pangulo si Duterte.
Isinagawa ang latest survey noong September 24-27 sa 1,200 adult respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Batay sa survey, 83 percent ng mga respondents ay mayroong “much trust” kay Duterte habang 9 percent ang undecided at 8 percent lamang ang mayroong “little trust” sa pangulo.
Dahil nakakuha ng +70 net trust rating si Pangulong Duterte, nananatili pa rin siya sa “excellent” category na batay sa SWS, hindi bababa sa +70 net trust rating ang ikinokonsidera.
Ang resulta ng naturang survey ay nagpapatunay na madami pa rin ang nagtitiwala kay Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.