Dahil dito, isang planning session ang isinagawa sa Camp Bautista Sulu, na nilahukan ni Joint Task Force Sulu Commander Brig. Gen. Arnel Dela Vega, mga Regional officials na pinangunahan ni ARMM Vice Governor Haroun Alrashid Lucman Jr, kasama sina Usec. Haider Pombaen ng DSWD-ARMM at Engr. Abdulmunir Hadjirul ng DPWH 1st District.
Tinalakay sa isang araw na pagpupulong ang pagpapatupad ng DPWH ng infrastructure projects tulad ng main access roads at farm to market roads at pagsasagawa ng DSWD ng humanitarian assistance programs para sa mga residente ng apektado ng kaguluhan.
Samantala, bilang pakikiisa ng pribadong sektor, namahagi ng mga relief packs sa mga internally displaced persons sa Patikul Sulu ang United Muslim Medical Association, Rotary Club of Zamboanga City-West sa tulong ng 501st Infantry Brigade na pinamumunuan ni Col. Jose Faustino.
Ayon kay Gen. Dela Vega, ang pagtutulungan ng pamahalaan at iba pang mga concerned sectors ay inaasahang epektibong makakatugon sa root causes ng terrorismo at kriminalidad sa lalawigan.