Muli na namang nagpatupad ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang iba’t-ibang kumpanya ng langis ngayong araw.
Narito ang oil price monitoring ng Radyo Inquirer sa Shaw Blvd., Mandaluyong City,
Shell Philippines:
Diesel : P28.80
Gasolina: P 40.25
Unioil:
Diesel: P28.70
Gasolina: P39.10
Samantala, mas mura naman ng bahagya ang presyo ng Chevron sa New Panaderos St., Sta. Ana, Maynila
Diesel: P28.65
Gasolina: P40.85
Ang presyo naman ng Seaoil na hindi kalayuan sa lugar ay:
Diesel: P27. 05
Gasolina: P38.20
Sa Pedro Gil cor Tejeron St., Sta. Ana, Maynila mas mahal naman ang presyo ng Petron
Diesel: P28.65
Gasolina: P38.48
Gaas: P34.45
Mas mura naman sa katapat na Total Philippines:
Diesel: P27.85
Gasolina: P38.20
Samantala, sa katabi namang Clean Fuel:
Diesel: P26.30
Gasolina: P37.35
Ngayong umaga tumaas ng P0.85 kada litro ng gasolina, P1.55 sa bawat litro ng diesel at P1.55 kada litro ng gaas kasunod ng paggalaw nito sa pandaigdigang pamilihan.