‘Fundraising’ ng mga gang, alam ni De Lima ayon kina Sy at Co

By Kabie Aenlle October 11, 2016 - 03:14 AM

 

peter coIbinunyag ng mga convicts na sina Vicente Sy at Peter Co na naroon mismo si Sen. Leila de Lima nang utusan ni Jaybee Sebastian  ang mga gang leaders sa New Bilibid Prisons na magbenta ng iligal na droga upang maka-ipon ng campaign fund ni De Lima.

Sa kaniyang isinumiteng affidavit, sinabi ni Sy na nagkaroon ng pagpupulong ang mga gang leaders noong 2014 sa kubol ni Sebastian at aniya, naroon din si De Lima na noo’y Justice secretary pa.

Inatasan aniya sila ni Sebastian na magbenta ng iligal na droga para mapondohan ang pagtakbo ni De Lima bilang senador.

Tinukoy pa ni Sy ang mga nakasama niyang gang leaders sa pulong na sina Noel Martinez, Jaime Patio, Rodolfo Magleo, Armand Agujo at Jojo Baligad.

Ayon naman sa affidavit ni Co, napatunayan doon ang lakas ng impluwensya ni Sebastian sa Bilibid at sinabi pa umano nito na dapat gawing sentralisado ang kalakalan ng iligal na droga sa loob ng piitan.

Gayunman, itinanggi naman ni Sebastian na may naganap na ganoong pagpupulong tulad ng sinasabi ni Sy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.