Daan-daang mga namatay sa Haiti dahil sa hurricane ‘Matthew’ inilibing sa mass graves

By Kabie Aenlle October 11, 2016 - 04:22 AM

 

Matthew-Haiti-destructionMatapos pumalo sa humigit-kumulang 1,000 ang nasawi sa Haiti dahil sa Hurricane Matthew, nagdesisyon na ang kanilang pamahalaan na ilibing na ang ilan sa mga ito sa mga mass graves.

Ayon sa opisyal sa Grand’Anse na si Kedner Frenel, kinailangan nang ilibing ng mga otoridad ang ilan sa Jeremie, dahil nagsisimula nang mabulok ang mga ito.

Aniya, sa Grand’Anse pa lamang ay umabot na sa 522 ang nasawi.

Sa ngayon, isa pa aniya sa mga malalaki nilang suliranin ay ang pagkalat ng cholera kaya naman ang nakatuon ang mga otoridad sa pagbibigay ng malinis na tubig, pagkain at gamot sa libu-libong residenteng inilikas at pansamantalang naninirahan sa mga shelters.

Naghiwa-hiwalay na ang mga teams ng pamahalaan sa buong Haiti upang ayusin ang mga ospital o treatment centers at mahanap ang episentro ng cholera outbreak.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.