Pangulong Duterte, makikusap sa China na payagang makapangisda ang mga Pinoy sa Scarborough shoal  

By Chona Yu October 11, 2016 - 04:29 AM

 

ScarboroughHindi isususlong ng Pangulong Rodrigo Duterte ang usapin sa Scarborough shoal oras na bumisita ito sa China sa October 18 hanggang 21.

Sa talumpati ng pangulo sa Lamitan, Basilan, sinabi ng Chief Executive na hindi niya pakikialaman ang naturang isyu.

Paliwanag ng pangulo, kung magalit man ang Pilipinas sa China bunsod ng pangangamkam ng isla, sa hangin lang ito mapupunta dahil wala namang kakayahan ang bansa na makipag giyera.

Sinabi pa ng pangulo, na idadaan niya na lang muna sa pakiusap na ibalik sa mga Pilipinong mangingisda ang pangingisda sa Scarborough.

Inihalimbawa pa ng pangulo ang ginawa ng China kung saan hindi pinag-export ang Pilipinas ng saging at pinya ngunit kamakailan ay naayos na ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.