Chinese drug lords na inilipat sa NBI, nag-alok umano ng P30 million para makabalik sa Bilibid

By Isa Avendaño-Umali October 10, 2016 - 09:05 PM

CONGRESS
Kuha ni Isa Umali

Umabot na sa sampung oras ang nagpapatulong na pagdinig ng House Justice Committee ukol sa paglaganap ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prisons.

Ngayon ay patuloy ang interpelasyon ng mga Kongresista sa mga testigo.

Sa interpelasyon ni Paranaque Rep. Gus Tambunting, nasiwalat na kumontak kay Jaybee Sebastian ang mga Chinese drug lords na kasama sa tinaguriang Bilibid 19 dahil sa kagustuhan nilang makabalik sa New Bilibid Prisons.

Sila’y sina Vicente Sy, George Sy, Tong Chua at Sam Lee.

Ayon kay Sebastian, nag-alok ang mga naturang Chinese sa pamamagitan ng kanilang abogado na si Atty. Raymond Fortun ng 30 million pesos upang makabalik sa Bilibid, mula sa NBI headquarters.

Kinumpirma naman ni Sy ang tungkol dito, subalit sinabi lamang daw niya na handa siyang mag-ambag ng kaya niyang ilabas na pera.

Gayunman, hindi rin ito natuloy sa hindi malinaw na kadahilanan.

Dagdag naman ni Sebastian, nabawasan ang transaksyon ng ilegal na droga noong nasa NBI ang Bilibid 19.

TAGS: House probe on Bilibid, House probe on Bilibid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.