Dating Sen. Jinggoy Estrada kinastigo ng Sandiganbayan

By Ricky Brozas October 10, 2016 - 04:20 PM

sandigan-bayan-building-facade
Inquirer file photo

Pinagpapaliwanag ng mga Mahistrado ng Sandiganbayan 5th Division ang kampo ni dating Senador Jinggoy Estrada matapos na hindi sumipot sa pagdinig ngayong araw.

Nagtakda kasi ng pagdinig ngayong araw ang mga mahistrado matapos na maghain ng manifestation ang kampo ni Estrada bilang pagtanggi na magsumite ng pre- trial brief bago ang pagsisimula ng trial proper sa kasong plunder at graft ng dating senador.

Layunin sana ng pagdinig ngayon ng pagpaliwanagin ang mga abogado ni Estrada sa kanilang pagtanggi na maglabas ng pre-trial brief.

Kabilang kasi sa nakapaloob sa pre-trial brief ay kung ilang mga testigo at anong mga dokumento ang ipiprisinta ng depensa.

Dahil dito, nag-isyu ng show cause order si Sandiganbayan 5th Division Chairperson Roland Jurado laban sa mga abogado ni Estrada.

Kapag hindi raw naipaliwanag ng mga abogado ni Estrada ang rason ng hindi nila pagsipot sa pagdinig ngayong araw ay mapipilitan silang patawan ng sanction ang kampo ng dating senador.

Sa naunang manifestation na isinumite ni Estrada sa Sandiganbayan ay iginiit nila na hindi kasama sa rules ng korte ang pre-trial brief.

TAGS: Estrada, graft, sandiganbayan, Estrada, graft, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.