Droga sa Bilibid “imported” ayon kay Sebastian

high-grade-shabu
Inquirer file photo

Hindi lamang sa China nanggagaling ang iligal na droga na ipinapasok sa New Bilibid Prison.

Ayon kay Jaybee Sebastian, itinuturong mastermind sa illegal drug trade sa Bilibid, sa China at sa North Korea nanggagaling ang mga droga na ikinakalakal sa loob ng NBP.

May contacts umano sila sa labas na karamihan ay mga Chinese na konektado sa mga nakakulong na Chinese drug lords sa NBP.

Sinegundahan naman ni Sebastian ang naunang testimonya noon ni Herbert Colanggo na walang factory o pagawaan ng droga sa NBP at lahat ng droga ay galing sa labas.

Ayon pa kay Sebastian personal siyang humahango ng droga mula kay Peter Co at kanilang ring ipinakakalat pati sa labas ng maximum compound.

Dagdag pa nito, alam ni Senator Leila de Lima na dito galing ang drug money na ipinundar sa kanyang kampanya at itinuturing nilang protektor ng drug trade sa NBP ang Senadora.

Read more...