De Lima: “Mga lalaki ba talaga kayo?”

By Den Macaranas, Jan Escosio October 10, 2016 - 03:52 PM

De Lima ambush senateInihahanda na ni Sec. Leila De Lima ang mga gagamitin niyang legal actions laban kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II.

Sinabi ni De Lima na iligal ang pagpapalabas ng DOJ ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa kanya at lima pang mag personalidad na iniuugnay sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP).

Sa ambush interview sa Senado, ipinaliwanag ni De Lima na wala naman siyang kinakaharap na kaso para maglabas ng ILBO laban sa kanya.

Muli rin niyang tinawag na “kangaroo court” ang pagdinig sa Kamara na umano’y ang tunay na layunin ay isangkot at idiin siya sa illegal drug trade.

“Huwag ho kayong mag-alala dahil wala ho akong kabalak-balak na umalis ng Pilipinas para iwasan kung ano man yung mga ihahain nyo sa akin na mga kaso dahil inosente po ako. So ang guilty lang po ang tumatakas”, paliwanag ni De Lima.

Muli ring hinamon ni De Lima ang pamahalaan, “I challenge this administration and the President: tatlong buwan na ninyo akong pinagtutulong tulungan gamit ang buong gobyerno, ganyan ba kayo mga kaduwag at kainutil? Mga lalake ba talaga kayo”?

TAGS: aguirre, de lima, ilbo, Illegal Drugs, sebastian, aguirre, de lima, ilbo, Illegal Drugs, sebastian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.