Bilyong Piso halaga ng pera umiikot sa loob ng Bilibid ayon kay Sebastian

By Den Macaranas, Isa Avendaño-Umali October 10, 2016 - 03:42 PM

New-Bilibid-Prison
Inquirer file photo

Naniniwala ang convicted criminal na si Jaybee Sebastian na aabot sa P300 Million ang nakuhang pera sa isinagawang raid sa maximum security compound ng New Bilibid Prisons noong December 2014.

Sa pagdinig ng House Justice Committee, sinabi ni Sebastian na malaking pera ang umiikot sa loob ng Bilibid hindi lamang sa pamamagitan ng talamak ng bentahan ng droga kundi maging sa iba pang mga bisyo.

Kadalasan din umanong maliit na halaga lamang ang iprini-prisinta sa media tulad na lamang ng P1.6 Million na ipinakita pagkatapos ng raid noong 2014.

Sa pagtatanong ng mga Kongresista, sinabi ni Sebastian na aabot sa P10 Million ang kabuuang naibigay niya kay De Lima bilang tulong sa kanyang kampanya noong nakalipas na eleksyon.

May isang pagkakataon din na personal niyang ibinigay ang halagang aabot sa P2 Million kay De Lima nang siya’y pumunta sa Bilibid.

Pero madalas umano niyang ibinibigay ang pera kay Joenel Sanchez na dating tauhan ni De Lima sa Department of Justice.

Sa pagdinig ng Kamara, sinabi rin ni Sebastian na naging kasintahan rin ni De Lima si Sanchez at “Sweetie” pa ang kanilang tawagan.

Bukod sa droga, Malaya umanong nakakapasok sa Bilibid ang iba pang kontrabando basta’t ito ay may go signal sa nakaupong Bureau of Corrections official pero ito ay may kapalit na halaga.

TAGS: New Bilibid Prisons, sanchez, sebastian, New Bilibid Prisons, sanchez, sebastian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.