LP, bukas ang pinto para kay Grace Poe

July 31, 2015 - 08:39 AM

grace mar
File photo

Nananatiling bukas ang pintuan ng Liberal Party (LP) para kay Senator Grace Poe.

Bagaman isasagawa na ngayong umaga ang pormal na pag-anunsyo na si Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas bilang kandidato ng partido Liberal sa pagka-pangulo sa 2016 elections ay nananatiling wala itong running mate.

Sa pagtitipon mamayang alas 10:30 ng umaga na tinawag na “A Gathering of Friends” sa Club Filipino sa San Juan City, inaasahang pormal na ihahayag ni Pangulong Aquino na si Roxas ang magiging pambato ng LP sa 2016 presidential elections.

Ayon kay LP President at Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya bukas pa rin ang pintuan ng LP para kay Poe bilang running mate ni Roxas.

Umaasa naman si Albay Gov. Joey Salceda, chairman ng LP sa Bicol region, na papayag pa rin si Poe na tumakbong bise presidente sa ilalim ng partido. Sinabi ni Salceda na ‘perfect match’ sana ang Roxas-Poe tandem.

Naniniwala si Salceda na makakabawi si Roxas sa mga susunod na presidential survey dahil makakatulong dito ang endorsement ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Budget Sec. Butch Abad wala pang endorsement na mangyayari sa posisyon ng pagka-bise presidente. “I think President Aquino will defer to Secretary Roxas in so far as choosing his running mate is concerned. Secretary Roxas would have to study that carefully. There would be a round of consultations,” ayon kay Abad.

Bago naman ang magaganap na endorsement, binisita ni Roxas kagabi ang puntod ng kaniyang yumaong ama na si dating Senador Gerry Roxas at lolo na si dating Pangulong Manuel Roxas Jr. / Dona Dominguez – Cargullo

TAGS: a gathering of friends, poe-roxas, a gathering of friends, poe-roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.