Pangulong Duterte, binansagang “Craziest President on Earth” ng listverse.com

By Dona Dominguez-Cargullo October 10, 2016 - 08:17 AM
Photo from "Listverse"
Photo from “Listverse”

Na-feature si Pangulong Rodrigo Duterte sa listverse.com at ang artikulo ay may titulong “10 Reasons The Philippines Has the Craziest President On Earth”.

Base sa nasabing website, ang “listverse” ay original top 10 site na mayroong tinatayang walong milyong readers.

Sa artikulo, inilahad ang sampung dahilan kung bakit ang Pilipinas umano ang mayroong “craziest” na pangulo sa buong mundo.

Inilagay sa top 10 ang kontrobersiyal na pahayag ni Duterte hinggil sa pag-gang rape sa isang Australian na biktima ng hostage taking sa Davao noong 1989, kung saan mistulang nagpahayag ng pagka-dismaya ang pangulo sa panghahalay sa biktimang si Jacqueline Hamil at sinabing dapat “nauna ang Mayor”.

Nasa top 9 ang pagsasabi ni Pangulong Duterte na sariling pera niya ang gagastusin niya sa kaniyang mga babae.

Binanggit sa artikulo ang naging pag-amin ni Duterte na siya ay may kinakasama, at nagkaroon pa ng dalawnag girlfriends. Nakasaad din sa artikulo ang pagsasabi ni Duterte na hindi niya ginagamit ang pera ng gobyerno sa babae at sa halip ay sa sarili niyang pera ang ginagastos niya dito.

Sa top 8, inilagay ang kontrobersiyal na pahayag ni Pangulong Duterte na wala siyang pakialam sa human rights. Binanggit sa artikulo ang quote ni Duterte kung saan sinabi nito sa isang pahayag ang mga salitang “forget the laws on human rights”.

Nasa top 7 naman ang pagkumpara ni Duterte sa kaniyang sarili kina Adolf Hitler at Idi Amin, kung saan inilahad ang pagsasabi ng pangulo na kung si Hitler ay nakapang-masaker ng tatlong milyong Jews, handa umano siyang patayin ang tatlong milyong adik sa bansa.

Sa top 6 inilagay ang pagmumura ni Pangulong Duterte kay US President Barack Obama, na naging kontrobersiyal at nag-headline sa international media; habang kasunod sa top 5 ang pagbabanta ni Duterte na kakalas na ang Pilipinas sa United Nations.

Sa top 4 ang pagmumura umano ni Duterte kay Pope Francis dahil sa matinding traffic na idinulot ng pagtungo nito sa bansa.

Habang nasa top 3 ang paghikayat umano ni Duterte sa mga mamamayan na patayin ang mga kilala nilang adik. Isinaad sa artikulo ang pagdami ng mga patay na natatagpuan sa mga lansangan sa bansa mula nang maupo sa pwesto si Duterte at ang mga ito ay nilalagyan ng karatulang “Pusher ako Wag Tularan”.

Sa top 2 inilagay ang pangako umano ni Duterte na papatayin ang kaniyang mga anak kung mapapatunayang gumagamit ang mga ito ng ilegal na droga. Nakasaad pa sa artikulo na sa ngayon, wala pa namang napapatay na sariling anak si Duterte, pero isang apat na taong bata na si Althea Babon ang nasawi nang dahil sa drug war ng administrasyon.

At nasa top 1 ang pahayag ni Duterte na bilang presidente ng bansa, pwede naman niyang bigyan ng pardon ang sarili niya sa mga akusasyong siya ay murderer. Binanggit din ang pangako ng pangulo na handa siyang mag-pardon ng 1,000 pulis kada araw na makakasuhan nang dahil sa paglaban sa ilegal na droga.

Simula nang maupo sa pwesto si Duterte, ang mga pahayag nitong kontrobersyal ay nagiging usap-usapan hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Pinakahuli ang headline sa isang pahayagan sa France, kung saan tinawag na “killer” si Duterte.

 

 

TAGS: Duterte is the craziest president on Earth according to listverse, Duterte is the craziest president on Earth according to listverse

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.