Lakbayan ng mga Lumad mula mula Mindanao, nagsimula na

 

Mula sa FB/Amirah Ladisan

Tumulak na patungong Maynila ang caravan ng mga lumad mula Mindanao bilang bahagi ng kanilang isinasagawang Lakbayan 2016.

Layon ng caravan na ipaalala sa pangulong Duterte, sa pagdiriwang ng ika-isandaang araw nito sa puwesto, ang mga nilalaman ng Mindanao Peoples Peace Agenda na iprinisita noong inagurasyon ng pangulo.

Kabilang dito ang pagkondena sa umano’y militarisasyon ng mga lupain ng mga katutubo.

Magmumula ang mga ito mula Davao, Cagayan de Oro at Surigao at magsasalubungan sa Tacloban City.

Inaasahan naman na nasa tatlong libong lumad ang magtitipon-tipon sa Mendiola sa October 13 bago tuluyang tumulak sa UP Diliman sa Quezon City para sa isasagawang Regional Congress of Indigenous groups na magtatapos sa October 22.

 

Read more...