Ginebra at Meralco, tie na sa Finals ng 2016 PBA Governors’ Cup

 

Tabla na ang laban sa pagitan ng Barangay Ginebra San Miguel at Meralco sa nagpapatuloy na 2016 PBA Governors’ Cup Finals.

Ito’y matapos talunin ng Gin Kings ang Bolts sa iskor na 82-79 sa laban nila kagabi sa Smart Araneta Coliseum, dahilan para maging 1-1 na ang panalo ng parehong koponan.

Aminado si Ginebra coach Tim Cone na nahirapan din sila dahil parang hindi umuubra ang mga normal nilang tira.

Gayunman, pagdating ng halftime, napag-usapan nila na bagaman hindi matindi ang opensiba nila sa laban na ito, pakiramdam nila ito ang laro na kaya nilang ipanalo.

Giit ni Cone, pinapanatili nilang matatag ang kanilang depensa at doon sila naninindigan.

Samantala, gaganapin naman ang Game 3 sa Miyerkules, alas-7:00 ng gabi sa Big Dome.

Read more...