Nasawi sa US dahil sa Hurricane Matthew, umakyat na sa 16; mahigit 900 sa Haiti

By Kabie Aenlle October 10, 2016 - 04:13 AM

 

Mula sa inquirer.net/AFP

Matindi pa rin ang naging epekto ng Hurricane Matthew sa Estados Unidos, partikular na sa North Carolina at Virginia, sa kabila ng kabila ng pagkaka-downgrade nito sa post-tropical cyclone.

Pumalo na kasi sa hindi bababa sa 16 ang nasawi sa US dahil sa nasabing bagyo. Ayon kay Gov. Pat McCrory, umakyat na sa pito ang nasawi sa North Carolina pagdating ng Linggo ng umaga.

Ayon naman sa mga opisyal sa Georgia, tatlo na ang kumpirmadong patay sa kanilang estado, habang anim naman ang naitala sa Florida.

Nagdala rin ang nasabing bagyo ng matinding pagbaha na ngayon pa lamang naranasan ng North Carolina, habang nakapagtala naman ng 12.5 feet na storm surge sa Tybee Island sa Georgia na malapit sa border nito sa South Carolina.

Ayon pa kay McCrory, 900 katao ang nasagip gamit ng 58 na boat crews, habang nasa mahigit 4,000 katao na ang kanilang nailikas.

Umabot na rin sa 760,000 na kabahayan at mga establisyimento ang nawalan ng kuryente sa North Carolina dahil sa bagyo.

Samantala, pumalo naman na sa mahigit 900 ang bilang ng mga nasawi, habang marami pa ang inaasahang hindi pa nasasagip dahil sa pananalasa ng Hurricane Matthew sa Haiti.

Ayon pa sa mga aid workers, 90 porsyento ng south Haiti ang malubhang napinsala dahil sa bagyo, na itinuturing na nilang “complete destruction.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.