FBI, tumutulong na sa Aika Mojica slay case

July 31, 2015 - 08:24 AM

 

11798398_856700874414690_913343259_n
Photo contributed by Coun. Jong Cortez

Tumulong na ang Federal Bureau of Investigation (FBI) sa paghahanap sa Filipino American na pangunahing supek sa pagpatay sa 23 anyos na si Aika Mojica ng Olongapo City.

Ayon kay Mayor Rolen Paulino, nabigyan na nila ng kopya ng arrest warrant ang FBI laban kay Jonathan Dewayne Ciocon Viane sa pamamagitan ng US Embassy sa Maynila.

Kung sakaling maaresto sa US, sa nasabing bansa ikukulong si Viane at hindi mapapauwi dito sa Pilipinas dahil sa isang US citizen si Viane. Ipinaliwanag ni Paulino na hindi pwedeng humiling ng extradition ng Pilipinas laban sa suspek. Si Viane ay residente ng Anchorage, Alaska.

Samantala ang isa pang suspek na si Niño dela Cruz ay pinaghahanap pa rin.

aika mojica court of coun jong cortezSa panayam ng Radyo Inquirer kay Olongapo Councilor Jong Cortez, sinabi nito na nakatutok ang imbestigasyon ngayon sa paghahanap kay dela Cruz. “Maraming nalalaman ito at sa kanya ang focus ng imbestigasyon ng pulis,” ani Cortez.

Si Viane at de la Cruz, ay kapwa kinasuhan sa Zambales RTC Branch 71 noong July 28 dahil sa pagpatay kay Mojica.

Kahapon ay nag-martsa ang ama ni Aika na si Joey kasama ang mga pamilya at kaanak nito matapos na ito ay ma-cremate. “Sabi ni Mang Joey, iuuwi ko na ang anak ko, pagod na pagod na siya,” habang hawak nito ang urn na naglalaman ng abo ng kanyang anak./Dona Dominguez-Cargullo, Gina Salcedo.

TAGS: aika mojica, Jonathan Dewayne Ciocon Viane, aika mojica, Jonathan Dewayne Ciocon Viane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.