Palasyo, may sagot sa pahayag ni Agot Isidro at sa bansag na ‘serial killer president’

By Jay Dones, Kabie Aenlle October 10, 2016 - 04:34 AM

 

Photo grab mula sa FB account ni Agot Isidro
Photo grab mula sa FB account ni Agot Isidro

Nagsalita na ang Palasyo ng Malacañang kaugnay sa naging kontrobersyal na pahayag ng aktres na si Agot Isidro tungkol kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong Biyernes kasi, nag-post si Isidro sa kaniyang Facebook account tungkol sa pahayag ng pangulo kung saan hinamon niya ang Estados Unidos at European Union na i-atras na ang ibinibigay nitong ayuda sa Pilipinas.

Bukod sa pagbatikos sa pahayag ng pangulo, pinayuhan rin ni Isidro si Duterte na magpatingin sa psychiatrist dahil sa pagiging “psychopath” aniya nito.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na may karapatan si Isidro na ihayag ang kaniyang sariling opinyon.

Gayunman, sinabi rin ni Abella na ang ganitong uri ng pananaw na pagiging dependent sa suporta ng ibang bansa, ang hinaharap ng pangulo sa ngayon.

Paliwanag pa ni Abella, nais lamang ng pangulo na makamit ng mga Pilipino ang tunay na kasarinlan, “economically, mentally and socially.”

Samantala, inulan naman ng parehong pag-batikos at pagsuporta mula sa mga taga-suporta at kritiko ng pangulo ang naging pahayag ng aktres.

Pinalagan rin ng kampo ng Malacañang sa bansag ng isang French newspaper kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang isa ‘serial killer president’.

Lumabas ang frontpage article  sa pahayagang ‘The Liberation’ sa France noong Sabado ang pagkamatay ng nasa 3,00 katao sa maigting na anti-drugs campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, ‘unfair at irresponsable’ ang pagkakagamit ng naturang pahayagan ng naturang mga kataga upang bansagan ang Pilipinas.

Giit ni Abella, bagamat malimit na gumagamit ng mga ‘rhetoric’ ang pangulosa kanyang mga talumpati, lagi rin naman nitong ipinaaalala sa lahat ng mga kawani ng gobyerno na sundin ang isinasaad ng batas sa kanilang pagtupad sa tungkulin.

Naging matindi kasi aniya ang naging problema ng bansa sa droga at hindi ito naaksyunan ng mga nakaraang administrasyon kaya’t kinailangang gumamit ng ‘drastic measures’ upang sugpuin ang droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.