Magnitude 4.4 na pagyanig naramdaman sa Agusan Del Norte

 

Nakaranas ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Agusan del Norte dakong alas 6:39 ng gabi, Linggo.

Sa ulat ng Phivolcs, naitala ang episentro ng pagyanig pitong kilometro ang layo sa kanluran ng Tubay, Agusan Del Norte at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity IV na paggalaw ng lupa, sa Surigao, City samantalang Intensity III naman sa Butuan City.

Wala namang inaasahang aftershock sanhi ng lindol.

Wala ring pinasalang idinulot ang pagyanig sa mga struktura ayon sa Phivolcs.

Read more...