13th month pay & bonus, maagang ibigay sa mga empleyado para bawas trapiko

INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
INQUIRER FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Hinimok ni Quezon City Rep. Winston Castelo ang gobyerno at pribadong sektor na i-release bago mag-Disyembre ang 13th month pay at Christmas bonus ng mga manggagawa sa Metro Manila, upang maibsan ang ‘carmageddon’ o malalang daloy ng trapiko ngayong holiday season.

Paliwanag ni Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development, kapag maagang naipamigay ang 13th month pay at bonuses sa mga empleyado, mas mapapaaga rin ang kanilang pamimili sa mga shopping mall.

Dagdag ng Mambabatas, kung mas maagang matatanggap ng mga manggagawa ang kanilang incentives, mababawasan ang holiday rush na nagdudulot ng masikip ng mga lansangan lalo na sa mga lugar kung saan matatagpuan ang mga mall.

Kasabay nito, umapela rin si Castelo sa mga mall operator na tumulong upang mabawasan ang trapiko sa kani-kanilang lugar.

Bukod dito, maaari aniyang pag-aralan ng mall owners ay pagpapairal ng synchronized sale.

Karamihan sa malalaking mall sa Kalakhang Maynila ay nasa EDSA at iba pang major thoroughfares.

Read more...