Mga kumpanya ng langis, may big time price hike
By Isa Avendaño-Umali October 09, 2016 - 07:47 AM
Nakaamba ang big time price hike sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa oil industry, nasa 75 hanggang 90 centavos ang pagtaas sa presyo sa kada litro ng gasolina.
Tinatayang nasa P1.50 hanggang P1.60 naman ang dagdag-presyo sa bawat litro ng diesel, habang P1.50 hanggang P1.60 sa kada litro ng kerosene.
Hinihintay na lamang ang pormal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis.
Ang price increase ay bunsod pa rin ng paggalaw sa halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.