Kapakanan ng publiko, dapat ikunsidera sa pagtatayo ng MRT-LRT common station
Sinabi ni Former Transportation Undersecretary Carlos Borromeo na dapat ikunsidera ng mga opsiyal ang kapakanan ng ibat-ibang sektor at industriya sa pagpili ng pagtatayuan ng common station ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).
Ayon kay Borromeo, hindi ito simpleng proseso, kaya dapat walang transportation project ang maging standalone.
Dagdag pa niya na maaring ang inilalatag na solusyon sa isang sektor ay maaring maging problema sa ibang sektor.
Aniya ang intension ng transportation system ay makapaghatid ng mga pasahero sa kanilang mga destinasyon.
Noong September 9 ay napagkasunduan ng Department of Transportation (DOTr) at ng mga private sector stakeholders na itatayo ang MRT-LRT common station sa pagitan ng SM North EDSA at TriNoma sa Quezon City.
Ang naturang common station ay magdurugtong sa LRT Line 1, MRT Line 3 at ang itatayo pa lang na MRT Line 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.