DOT iginiit na tuloy ang Miss Universe pageant sa Pilipinas

By Rod Lagusad October 09, 2016 - 03:24 AM

newsinfo.inquirer.net

Itinanggi ni Department of Tourism (DOT) Undersecretary Kat De Castro ang mga usap-usapan na hindi matutuloy ang Miss Universe pageant sa Pilipinas sa January 2017.

Ayon kay De Castro, na nakipagkita na siya sa Miss Universe organization at ibang partner groups at walang napag-usapan na kanselado na ang naturang pageant.

Nauna ng pinabulaan ng DOT ang mga social meadi posts na nagsasabing na pinag-iisipan na ng Miss Universe organization ang pag pull out mula sa Pilipinas.

Kinumpirma din ni Tourism Secretary Wanda Teo na ang paghahanda sa nasabing pageant ay tuloy-tuloy.

Dagdag pa ni Teo na sa January 30 gaganapin ang pageant.

Inaasahan na darating sa January 13 ang mga kandidata, ilang linggo bago ang coronation night sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ayon sa DOT, bibisitahin ng mga kandidata ang ibat-ibang bahagi ng Pilipinas kung saan ilan sa maari nilang mapuntahan ay ang Intramuros, Batangas, Palawan, Legazpi, Cebu at Davao.

 

 

 

 

TAGS: dot, kat de castro, miss universe, Tourism Secretary Wanda Teo, dot, kat de castro, miss universe, Tourism Secretary Wanda Teo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.