Vice Mayor ng Cotabato City, bagong pinuno ng Region 12 League of Vice Mayors.

newsinfo.inquirer.net file photo

Nahalal bilang bagong pinuno ng Region 12 League of Vice Mayors si Cotabato City Vice Mayor Graham Guiani Dumama.

Isinagawa ang eleksyon bilang pagtatapos ng pagpulong noong Biyernes sa General Santos sa pagitan ng mga Vice Mayor ng North Cotabato, Sultan Kudarat, South Cotabato at Sarangani.


Kasama din sa naturang pagpupulong ang mga Vice Mayor ng mga lungsod ng Tacurong, Kidapawan, Koronadal at General Santos.


Ayon kay Halima Satol-Ibrahim, information officer, dahil sa pagkakahalal ni Gumama ay magiging highlight ang mga pagbabago sa pamamahala sa Cotabato City.


Dagdag pa ni Satol-Ibrahi, ang mga lokal na opisyal at ang mga taga suporta ni Dumama ay lubos na natutuwa sa kanyang pagkakahalalal.

Si Dumama ay pamangkin ni incumbent Cotabato City Mayor Cynthia Guiani-Sayadi.

 

Read more...