Angulo ng droga, iniimbestigahan sa pamamaslang sa tatlong lalake sa Malabon

By Alvin Barcelona October 09, 2016 - 12:40 AM

crime-scene-300x200Ini-imbestigahan na ng Malabon police ang pananambang sa tatlong lalake sa Gov. Pascual sa kanto ng Reyes St. sa Barangay Concepcion, Malabon bago mag alas-dose ng tanghali kanina.

Kinilala ang mga nasawi na sina Ricardo Pablo (32) driver at Ronaldo Sapin (39) parehong namatay habang isinusugod sa pagamutang bayan ng Malabon dahil sa tama nito sa ulo at katawan.

Dead on the spot naman ang isa pang biktima na si Carlo Rodriguez (32) na natuklasang nasa drug watchlist ng pulisya.

Base sa report, sakay ng L300 van ang tatlo nang huminto sa harapan nito ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspek.

Isa ay armado ng sub machine gun habang ang isa ay ng kalibre 45 baril na ginamit nito para paulanan ng bala ang mga biktima.

Narekober sa lugar ng insidente ay mga basyo at tingga ng bala.

Kabilang sa angulong iniimbestigahan ng pulis ay ang pagkakasama ng isa sa suspek sa drug watchlist.

TAGS: drugs, malabon city, Pananambang, drugs, malabon city, Pananambang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.