Importer ng mga basura galing Canada inireklamo sa DOJ.

July 30, 2015 - 05:25 PM

canadawaste-0711Inihabla na ni Customs Commissioner Alberto Lina ang importer ng mga basura galing Canada.

Ang sinampahan ng reklamong krimnal ay ang may may-ari Live Green Enterprises na si Nelson Manio na taga Angeles City, Pampanga.

Sinabi ni Lina na seryoso ang BOC at nanindigan na dapat managot ang importer mga basurang nakasilid sa 48 container van mula sa Canada.

Kasong paglabag sa Tariff and Customs Code ang isinampa dahil sa iligal na importasyon kaugnay ng DENR Administrative Order 1994-028 na may kinalaman sa importasyon ng mga ‘recyclable material’ na naglalaman hazardous substances.

Nauna ng sinampahan ng BOC ng kahalintulad na kaso ang isa pang importer na Chronic Plastics kaugnay ng naunang 55 container van na dumating sa bansa na naglalaman din ng mga basura.

Matatandaang may dalawang taon na ang nakalilipas nang madiskubre ang daan daang mga container van sa North Harbor na nuna nang idineklarang mga recyclable material.

Gayunman, nang inspeksyunin, nadiskubreng mga household waste ang karga ng nasabing mga container.

Nito lamang nakaraang buwan, nagpasya ang DENR na ibaon na lamang sa landfill ang tone-toneladang mga basura sa Tarlac dahil sa posibilidad na magdulot na ito ng problema sa kalusugan./ Ricky Brozas

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.