Mga suspek sa Davao bombing, magsusumite ng counter affidavit sa susunod na linggo

Inquirer Photo | Frances Mangosing
Inquirer Photo | Frances Mangosing

Magsusumite ng counter affidavit ang tatlong nahuling miyembro ng Maute group na mga suspek sa davao city bombing.

Kasunod ito ng pagsasampa kagabi ng AFP at PNP ng kasong illegal posession of explosives sa tatlo kaugnay ng pambombomba sa Roxas night market noong september 2 na ikinamatay ng 15 katao at pagkasugat ng 69 na iba pa.

Ang abogado ng mga supek na sina TJ Tagadaya Macabalang, Wendel Apostol Facturan at Musali Mustapha ay magsusumite ng kanilang sagot sa kinakaharap nitong kaso sa DOJ sa darating na Miyerkules, October 12, 2016 sa ganap na alas dos ng hapon.

Ang tatlo ay nahuli sa isang check point sa Cotabato City noong october 4 kung saan ito nahulihan ng mga materyales sa paggawa ng improvised explosives device (ied).

Read more...