Heavy Rainfall Warning nakataas sa Tarlac at Zambales

By Len Montaño October 08, 2016 - 07:53 PM

Yellow Rainfall WarningItinaas ang heavy rainfall warning sa mga lalawigan ng Tarlac at Zambales dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Ayon sa Pagasa, dahil ito sa malakas na Hanging Habagat na pinaigting ng bagyong Julian.

Maliban sa dalawang lugar ay maulan din sa Bataan, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Quezon at Metro Manila.

Sinabi ng Pagasa na kahit wala ng umiiral na bagyo, maaari pa ring magpatuloy ang mga pag-ulan habang namamayani ang Southwest Monsoon.

Inaasahan naman ang pagpasok ng hanging amihan sa pagtatapos ng Oktubre.

TAGS: Haanging Habagat, Heavy Rainfall, Pagasa, Tarlac, zambales, Haanging Habagat, Heavy Rainfall, Pagasa, Tarlac, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.