Ayon sa mga otoridad, isa sa mga tinitingang dahilan sa naturang insidente ay ang overloading.
Ang pitong nawawalang mga pasahero ng tumaob na bangka ay nasa edad na 12 hanggang 19 taong gulang habang nakaligtas naman ang 18 ibang pasahero ayon kay Suprato, local disaster management official.
Dagdag ni Suprato, maaring dahil sa overexcitement ng mga batang pasahero kaya nagpuntahan ito sa unahang bahagi ng bangka na naging sanhi ng kawalan ng balanse ng nito.
Kaugnay nito, idineploy ang mga rescuers para hanapin ang mga nawawala gamit ang mga inflatable boats ngunit sa kasalukuyan wala pa ring natatagpuan sa mga ito.
Ayon sa mga rescuers, dahil sa pag-ulan, maputik na tubig at malakas na agos ay nagiging pahirapan ang rescue operation.