7 katao nawawala, matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Indonesia

By Rod Lagusad October 08, 2016 - 07:48 PM

indonesiaTumaob ang isang bangkang lulan ang 25 lalaki na pawang mga Islamic boarding school students sa Bengawan Solo river sa Java.

Ayon sa mga otoridad, isa sa mga tinitingang dahilan sa naturang insidente ay ang overloading.

Ang pitong nawawalang mga pasahero ng tumaob na bangka ay nasa edad na 12 hanggang 19 taong gulang habang nakaligtas naman ang 18 ibang pasahero ayon kay Suprato, local disaster management official.

Dagdag ni Suprato, maaring dahil sa overexcitement ng mga batang pasahero kaya nagpuntahan ito sa unahang bahagi ng bangka na naging sanhi ng kawalan ng balanse ng nito.

Kaugnay nito, idineploy ang mga rescuers para hanapin ang mga nawawala gamit ang mga inflatable boats ngunit sa kasalukuyan wala pa ring natatagpuan sa mga ito.

Ayon sa mga rescuers, dahil sa pag-ulan, maputik na tubig at malakas na agos ay nagiging pahirapan ang rescue operation.

TAGS: Bengawan Solo river, indonesia, java, Bengawan Solo river, indonesia, java

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.