Mark Anthony Fernandez, walang special treatment sa kulungan

By Len Montaño October 08, 2016 - 07:16 PM
Mark FernandezTiniyak ng kampo ni Mark Anthony Fernandez na wala itong natatanggap na special treatment sa pagkakakulong dahil sa droga. Ayon sa abogado ni Fernandez na si Atty. Sylvia Flores, hindi binibigyan ng special treatment ang aktor at itinuturing ito na isang normal na preso tulad ng iba. Nakakulong na ngayon si Mark sa Angeles City District Jail. Samantala, umiinda si Mark ng pananakit ng kanyang tiyan dahilan upang magpabalik-balik siya sa banyo. Bahagya ring tumaas ang kanyang blood pressure. Naaresto si Mark matapos mahulihan ng isang kilong marijuana sa checkpoint sa Pampanga. Una na itong nagpositibo sa marijuana pero negatibo naman sa shabu.

TAGS: Angeles City District Jail, drugs, mark anthony fernandez, Angeles City District Jail, drugs, mark anthony fernandez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.