China, tinanggal na ang ban sa mga produkto mula sa Pilipinas

By Len Montaño October 08, 2016 - 07:11 PM

newsinfo.inquirer.net file photo

Tinanggal na ng China ang suspensyon sa pag-aangkat ng mga produktong nagmumula sa Pilipinas.

Ito ang inanunsyo ni Agriculture Sec. Manny Piñol, matapos silang makatanggap ng abiso mula sa mga opisyal ng naturang bansa. Nagpataw ang China ng ban sa importasyon ng mga prutas mula sa Pilipinas dahil sa inihaing kaso ng bansa sa Arbitral Tribunal kaugnay ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. Ayon kay Piñol, makikinabang ang sampung malalaking kumpanya ng mga prutas sa pagtanggal ng ban. Kabilang sa mga produktong muling pinayagan na mai-export ng Pilipinas sa China ang saging, pinya, dragon fruit at iba pa. 

 

TAGS: China, Export, Pilipinas, Sec. Manny Piñol, China, Export, Pilipinas, Sec. Manny Piñol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.