Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, isa sa mga opsyon ni DICT Sec Rudy Salalima ay magtayo ng sariling telcos ang pamahalaan.
Ayon kay Andanar, kung hindi naman kakayanin ng pamahalaan ay maaring mag imbita ng foreign investors para sumigla ang komptensya ng mga telcos.
Nakadidismaya ayon kay Andanar dahil minomonopolya ng dalawang higanteng kompanya ang telcos sa bansa.
Nauna rito, binalaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga telcos na ayusin na ang pag ibigay serbisyo dahil kung hindi ay papasukin niya ang mga telcos ng China sa Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES