Duterte “nag-senti” sa malungkot na buhay sa Malacañang

duterte
Inquirer file photo

Naglabas ng sentimyento si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa pangulo, mula nang manirahan siya sa Bahay Pag-asa sa Malacañang ay naging malungkot na ang kanyang buhay.

Bukod sa wala umano siyang kasamang asawa ay pinagbabawalan rin siya ng Presidential Security Group na mag-lock ng pinto sa kanyang sariling kwarto.

Bukod dito, sinabi ng pangulo na chief clerk ng gobyerno ang turing niya sa sarili.

Ayon sa pangulo, kapag dumarating siya sa kanyang official residence ay wala siyang ibang ginagawa kundi ang pumirma ng sangkaterbang dokumento.

“Every time, every night there is a folder there, Department of Agriculture, Department of Foreign Affairs, Labor and I have to read it. Baka ma-Arroyo ka, place the marginal notes, okay approved”, paliwanag ng pangulo.

Ayon pa kay Duterte, “I do not have a privacy because you are not supposed to lock your door. You are not allowed to do that. Although they have not tried to open it up without knocking”.

Read more...