Mark Anthony Fernandez, inilipat na ng kulungan

Mark Fernandez
Inquirer file photo

Inilipat na ng kulungan ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Mula sa Angeles City Station 6, inilipat ito sa Angeles District Jail bago mag-alas diyes ng umaga kanina.

Kahapon natanggap ng Angeles City PNP Station 6 ang commitment order para sa transfer nito ng bilangguan pero kanina lamang naipatupad.

Bago ilipat, dumalaw kaninang alas-otso ng umaga sa aktor ang ina nitong si Alma Moreno.

Si Fernandez ay matatandaang nahulihan ng isang kilong shabu noong gabi ng October 3 sa isang checkpoint sa Mc.Arthur Highway sa Brgy. Virgen Delos Remedios, Angeles City.

Read more...