Duterte at Misuari magkikita na sa susunod na linggo

By Den Macaranas October 08, 2016 - 10:02 AM

Nur Misuari1
Inquirer file photo

Lalabas na sa kanyang pinagtataguan sa susunod na linggo si Moro National Liberation Front Chairman Nur Misuari.

Sa talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa National Banana Congress sa Lanang District sa Davao city, sinabi nito lalabas na sa mula sa Jolo Sulu si Misuari para sila ay makapag-usap.

Layunin ng pangulo na makausap si Misuari para muling maisulong ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at MNLF.

Nauna nang sinabi ng pangulo na bibigyan niya ng safe conduct pass si Misuari.

Inatasan na rin ng pangulo ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na huwag arestuhin si Misuari sakaling lumantad na ito.

Matatandaang may kinakaharap na warrant of arrest si Misuari dahil sa kasong rebelyon bunsod ng naganap Zamboang siege noong 2013.

TAGS: Jolo Sulu, mnlf, Nur Misuari, Peace Talk, Jolo Sulu, mnlf, Nur Misuari, Peace Talk

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.