Ayon sa chairperson ng Inquirer Group of Companies na si Marixi Rufino-Prieto, tugon ito ng Inquirer sa gitna ng hamon na kinahaharap ngayon ng traditional news media sa buong mundo kung saan nagbago na ang habit ng publiko sa pagkonsumo ng impormasyon dahil sa tinatawag na “digital world”.
Sa naturang event na ginanap sa Green Sun Hotel sa Makati City ay ipinakilala ng PDI sa external stakeholders nito tulad ng advertisers pati na ng mga mai-impluwensiyang personalidad sa larangan ng pagne-negosyo ang lima nitong bagong plataporma sa pamamagitan ng redesigned print product, desktop, tablet mobile phone at smartwatch.
At para ma-conceptualized at maisakatuparan ang bagong news products na ito ay nakipag-alyansa ang Inquirer sa media design guru na si Mario Garcia at sa kanyang kumpanya na Garcia Media.,
Samantala, sa kaniya namang hiwalay na talumpati sinabi ni Inquirer President/CEO Sandy Prieto-Romualdez na labing walong buwan ang binuno ng Inquirer kasama si Garcia para ilatag ang mga pagbabago.
Samantala, sinabi naman ng Station Manager ng Radyo Inquirer at Inquirer 990 TV na si Jake Maderazo na sa mobile phones patungo ang sentro ng pag-alam sa mga balita at impormasyon.