Pagpapagawa ng drivers’ license at plaka ng nga sasakyan aakuin na ng pamahalaan

By Chona Yu October 07, 2016 - 10:38 AM

Aakuin na ng gobyerno PLATE NUMBERSang pagpapagawa ng drivers’ license at mga plaka ng sasakyan.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Martin Andanar, sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang go signal mula sa Department of Transportation (DOTr).

Umaasa si Andanar na matutugunan na ng gobyerno ang problema sa backlog sa driver’s license at plaka mg mga sasakyan.

Paliwanag ni Andanar, magiging government-to-government na ang transaksiyon at hindi na kailangan ang pribadong kompanya para gumawa ng mga plaka at lisensiya.

Dagdag pa ng kalihim, kayang gawin ng National Printing Office (NPO) at APO ang tatlong milyong backlog sa driver’s license at limang milyong plaka at hinihintay na lamang ang ilang technical requirements para simulan ang paggawa nito.

Araw-araw ay dinadagsa ng reklamo at ngitngit ng publiko ang LTO dahil inabot na ng taon ang mga hindi pa naibibigay na lisensiya at plaka ng mga nagrenew at nagparehistro ng kanilang sasakyan.

 

 

TAGS: Driver's license, plate numbers, Driver's license, plate numbers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.